Proud ka bang maging pinoy? Ako oo, bakit? May mga katagang pinoy na di natin pinag aralan ngunit madalas nating sambitin lalo sa mga mahihirap na naglilimos. Ito ay ang katagang "Patatawarin po", nakagisnan na natin sa ating kultura na kapag walang kang naibigay na tulong ay humihingi tayo ng tawad sa kanila bakit? Nasusulat sa bibliya na pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw, at damitan ang hubad. Sinabi ni Jesus ang mga katagang ito na hindi siya nakikiusap na gawin natin ang mga bagay na ito kundi ito ay isang utos. Kaya sa tuwing di natin sila napagbigyan tayo ay nakakasala, kaya tayo humihingi ng patawad sa kanila. Sobrang lalim ng ating mga ninuno di ba madalas lang natin sabihin pero napakalalim pala ng kahulugan. Sa pilipinas lang meron nito, so be proud of our nation.
No comments:
Post a Comment